Welcome Po Sa Lahat
Mapayapang pagpasok dito sa ating larangan
Eto'y nabuo para sa atin lahat mga kababayan
Kaya huwag na kayong mag atubli na umpisahan
Pakikipanayam sa bawat isa ay isang karangalan.
Atin ng umpisahan ang marangal na sagutan
Pangmakatang dating sa ating bagong lipunan
Halina, ating ibangon ang wika ng Inang Bayan
Tanglaw ng Wika na sadya namang makasaysayan.
Kahit sabihin pa nila ngayon na eto'y luma na
Hindi na dapat halungkatin sa panahon ni Gloria
Hindi naman tayo papayag na eto'y isatabi na lamang
Kaya mga kababayan ating bangunin wikang ating iniwan.
Wikang minulat noong panahon nila Prokopyo at Bartolo
Kay gandang pakinggan pag eto'y sagutan na ng totoo
Nakakabighani talaga, napapangana pa si Ka Goryo
Pag eto'y oras ng sagutan sa himpapawid pag linggo
Bukas na ang mga radyo sa bayan at sa buong barrio
Eto ay lagi ding inaabangan ng aking yumaong lolo.
Mapayapang Araw sa Inyong Lahat diyan kababayan.
Dazz @ Barrio Fiesta
4 Comments:
Magandang araw sa iyo Bb. Makatas.
Ako'y nagagalak
Magandang araw din sa iyo diyan, kaibigang makata.
ako'y natutuwa at ikaw ay naparito din. nasa iyo na ang password di ba? gamitin mo lang yun pag gusto mo ng magpost ng bagong topic. sign in name, alam mo na din, right?
dazz
hello sis lyn,
nakikibasa lang ako, tried to logon with the password you gave me, pero hindi ako nakapasok.
please send me again through yahoo.
tenks, muahhz
SW
alahoy, alahoy ! dumating na pala ang ating kasanggang makata. huli man daw ang pagdating,nakakahabol pa din.
kahit last trip kung special trip di ba? musta na makatang lonegun? buti naman at iyo ng napasyalan, ang ating munting sitiong tagpuan, salamat sa iyong iniwan, mensaheng nakapagsasabi na ika'y napagawi. andito na ang ating makatang boyet at iyong cabalen at iba pang makatang nagluluningning.
kami'y nagaantay na ng mga inumin. may balut nga wala namang pantulak sa kinakain, kaya iyong apurahin, pagbabalik mo'y lasingan na naman sa masaganang piging!
Welcome, makatang lonegun.
Post a Comment
<< Home