Masayang Pagbati Sis Dazz At Sa Lahat
Papugay at pagbati sis Dazz na makata Dito sa sityong iyong inihanda Ang iyong layunin ay labis na kay ganda Akayin ang lahat tungo sa pagkakaisa Eto’y sadya ring inilaan upang ating madama At mapahalagahan ang pagiging Pilipino ng bawat isa Atin ding lubusang malalaman at makikilala Ang mga magagandang katangian ng ating bansa Ikinalulugod ko ang mapabilang at mapasali Sa samahang kung saan ay muli Maisasagawa ang pagpapahalaga sa ating lahi Tayo ngayon ang tanging saksi Tayo’y kabalikat sa pagtangkilik ng ating sariling WIKA Hangang sa muli.... WishUponAstar |
7 Comments:
Salamat sa iyong pagbati Wish. marunong ka ng magpost ng larawan ha. Galing naman!! Sabi ko sa iyo madali lang yan eh. Nilagay ko na sa yahoo mo yung codes ng background music.
Yan na sunod mong ilagay diyan.
Salamat muli!
Dazz
Kumusta na po kayo diyan? Kumusta na si Lone?
Nandito na naman ako upang bulabugin ang nananahimik ninyong ulirat!
Sumasainyo,
Kamandag
ha ha ha nanahimik na nga ulirat ni Ms Tapya eh, ayan na naman si bulabog.
hindi pa yata napasok si lonegun, baka di pa niya nabasa ang kanyang emails...lagot ka pag siya'y napasok dito. hala!
dazz
KUMUSTA Ate kong sis DAZZ? Nagawa ko na ang itinuro mo para sa background music...
Wow, gumaganda araw-araw ang silid na ito. Talaga namang nakapag-bibigay tuwa at kaalaman ang mga nababasa dito.
Salamat po at ibinahagi mo ito.
-wish
Magandang araw po, Ginoong Bulabog! oppss.. ako po'y nabulabog sa poste ninyo tungkol sa pari.. hehe :)....
Salamat po sa pangungumusta
Buhay naman po ay masaya
Kahit sa oras laging kapos na
Ako ay natutuwa
Tayo'y muling nagkita-kita
Mga kaibigan ay muling makakasama
Ang inyo pong tagahanga,
-wish
Maayong pagadating ms tapya
anino mo dito aking nakita
paligid iyong inumpisahang paksa
lalong gumand at sumaya.
mabuti naman at iyo ng nagawa
aking turo sa iyo kabigang makata
ganyan talaga pag magkakakilala
tulong tulong sa bawat isa.
maayong pagdating makata!
ako din ay tuwang tuwa nung malaman kong sitio mo ay may musika. napakagaling mo naman, di ba. kadaling matuto sa lahat ng anggulo.
hanngang sa muli.....
Post a Comment
<< Home