Wikang Kinagisnan or Wikang Banyaga?
Alin ang mas matimbang sa iyo Kabayan?
Eto ba'y sinusukat sa pagbigkas ng wikang kinagisnan o wikang nakasanayan? Paano kung nasa bansa kang banyaga? wikang nakagisnan pa din ba? gising mga kabayan, ano ba talaga ang mas matimbang sa inyo?
Kailangan bang nasa inang bayan ka para masukat kung gaano mo talaga kamahal ang iyong wika?
Disclaimer And Friendly Reminder
This provides an interactive environment meant as a channel
for people who simply love to write and share some passages
as well as jokes - sensible or otherwise.To ensure that Tanglaw
Ng Wika is a good environment for co-pinoy's to hang out,
we would request all users to observe courtesy by
refraining from making personal insults to any posters.
The organizers of this blogsite take no responsibility
for whatever was uploaded nor copied from any other
sources that may be copyrighted.
6 Comments:
ang pagbigkas ng wika ay hindi nasusukat. saan man tayo naroroon, ang ating kaalaman ay lalong nadadagdagan kahit ang bayan ay ating iniwan. pero hindi naman kinakailangan na kahit nas aibang bansa na tayo eh panay pa rin bigkas ng wika. ayun s akaing kalalaman, hindi naman sana babalewalain ang ating salita, hindi gaya ng iba diyan na nakarating lang sa ibayong bansa, hay naku po, di na sial kumakausap sa iba ng tagalog.
eto lang ang aking masasabi.
Para sa akin naman, ang wikang nakagisnan ay mahalaga sa ganun din sa pagpapahalaga ng ating kultura. Hindi dapat nating timbangin at sukatin kung alin ang mas mahalaga. Ang wikang natin ay nakaukit na sa puso at damdamin, yun ay hindi na matatanggal sa ating isipan. Ang wikang banyaga naman ay karagdagan ng ating kaalaman ng hindi lang iisang salita ang ating nalalaman.
Kahit pa man din nasa ibang bansa tayo, naipapakita naman natin ang kahalagahan ng ating bansa at ang sariling wika sa pamamagitan ng pagiisip at pakikisalamuha.
Tama si Anonymous na pag nasa ibang bansa na ang pinoy, kinakahiya na nilang bigkasin ang wika nila pag may masalubong silang kapawa pango, aba aba!!! taas noo na sila at ingles diyan, ingles dito, pag natapilok naman sisigaw ng ARAYYYY KOOO!
Ang wika pinoy ay matimbang pa din sa aking puso kahit saan man mapadpad, ganun pa din!
dazz
tinimbang ka ngunit kulang!
pwede ba yan kung wika ang paguusapan?
ang wika ay hindi tinitimbang,
hindi yan nabibili sa tindahan,
nakakasanayan yan at nakakagawian,
mula pa nong tayo'y sinilang.
ihambing mo man sa wikang banyaga
pilipino pa din ang nangunguna
hindi yun nakakalimutan na basta
kahit nasa bansang banyaga.
pitpitin mo man ang aking kuko
sisigaw pa din ng aray ko po
yan ang masasabi ko sa iyo
pinoy na pinoy ang kausap mo
walang alinlangan pinagmamalaki ko
wikang pilipino, tunay at totoo.
tulume
Wikang Kinagisnan o Wikang Banyaga?
He, wala bang in-between ang sagot dito! Hit depends! Depende ang sagot ko. Hirap naman eh, kung ang asawa mo eh Amerikana, hirap naman kung kausapin ko siya ng Capampangan o Tagalog, eh maghapon kaming maguusap ang ulit-ulitan niya sa akin eh...isa, dalawa, tatlo, apat...hanggang sampu kaya niya! Di pa mas mabuti pang sabihin ko sa kanya, "Honey, I'm hungry, can you cook breakfast for me!" Labo ko ano? Inihow! Wow, inihow na tilapya daw ang tanghalian namin sabi ni Misis!
Seriously.....ay Tagalog nga pala ang usapan dito, ang pagsasalita na wikang kinagisnan ay hindi mawawala sa yo. Hindi totoo iyong mga tulad nating balat kayumanggi at pango na nakarating ng Istates o ibang bansa na nagsasabing...."Ay forgot to ispeak da dialect holdready!" Pakitang tao lang yon. Huwag na huwag kayong maniwala doon! Apakan mo ang kanilang paa, pustahan tayo, sigurado lalabas at lalabas iyong wikang kinagisnan nila..."Aray!"...hindi "Opppps, my God" na wikang banyaga ang isisigaw!
Kung titimbangin mo sa dalawa, iyong isa ay siguradong overweight...dahil nasa lahi mo ito! Iyong mga nagkukunwari, iyong timbangan nila ay palaging kulang! Salita nila ay Wikang Binasa!
Di ba tama ako! Hi told you holdready, you did not believe me!
Suri, hi ham English-ispoken!
wikang kinagisnan pa din para sa akin. wala ng mas maitmbang pa kaysa sariling wika. mag inglis man tayo hindi ibig sabihinn a tatalikdan na natin ang tagalog.
kahit spokening dollar na ang iba nung makarating sila sa amerika, wala yang kwenta! pinoy pa rin nangingibabaw sa akin at kahit mga kaugalian ay pinoy na pinoy talaga.
SW
Tagalog mas komportable. Pero imagine asawa ko Canadian tapos tatagalugin ko. Pero pag nagtataas na ako nang boses at nagtatagalog na ako... Alam nang asawa ko na "galit na si kumander".
Sabi nga ni Ka Boyet, Hit, Depends.. Lalo na pag nakakain ka nang penoy na isinawsaw sa sukang may bawang, sili at paminta at sabayan mo nang halo-halo ay siguradong magtatagalog ka..
Regards to all!
Post a Comment
<< Home