Mapayapang Paglisan Ng Isang Kardinal
Pagkamatay ng isang dakila
Kanyang iniwan ang halimbawa
Respeto sa kapwa at panguunawa
Ang kanyang ipinakita sa madla.
Ngayon ating bigyan ng kasaysayan
Pagkamatay ng isang Cardinal sa bayan
Tahimik at mapayapang kapaligiran
Yan ang lagi niyang ipingadididiinan.
Lubusan ng pagmamahal ng isang ama
Walang ibang hangarin para sa madla
Kundi katahimikan at laging mapayapa
Pagmamahalan sa kapwa kanyang pinapaalala.
Mapayapang Paglisan Mahal Naming Ama.
6 Comments:
Dumadating talaga sa buhay ng tao ang ganyang pangyayari, una unahan lang yan. May oras ang bawat isa at doon din naman ang hantungan ng lahat na nilalang. Sana matahimik ang paglisan ng isnag Ama ng bayan at ang kanyang mga iniwang halimbawa ay tuloy tuluyang gampanan ng bawat Pilipino.
Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Magandang araw sa lahat.
dazz
PAGPURI SA YUMAONG KARDINAL!
Siya ay dapat maging mistulang "Bayani" hindi lamang ng Simbahang Katolico pati na rin ng Bayan nating Pilipinas! Siya ang nagmulat sa mga maraming kababayan...libo-libong kabataan noon at ngayon na may mga sarili naring mga anak na nagising sa mga "social issues" at "involvement" para sa ikabubuti ng bayan!
Siya walang takot o kilabot sa mga nasabing kumalaban sa kanya dahil siya ay tumayo at kumalaban sa gobierno at ang sigaw ay "foul" daw dahil siya ay nakialam sa mga "affairs of the government" at ito daw ay hindi dapat kasi merong nagsasabi (sino kaya sila?) na hindi niya teritoriyo iyon dahil sa mga politiko lang dapat ang mga issues ng bayan! Kaya?
"Seperation of Church and State" ay itinumba niya at nilampasan niya...dahil ang ginawa niya ay tunay na MAKABAYAN...hindi lang para sa mga Katoliko at sa mga politiko. Ito ay para sa lahat...sa mga kapwa niya PILIPINO!
Sana ang kanyang paglisan ay magiging isang hakbang na maisulong iyong kanyang kapaniwalan na ang Simbahang Katoliko ay mayroong karapatang makialam sa Gobierno lalu na kung ito ay para sa kapakanan ng lahat ng mga Kristianong Pilipino!
Dakila ka, Kardinal Sin, makasalan man ang ipinangalan sa iyo, BAYANI ka dito sa mga iniwan mong PILIPINO!
sino naman kaya ngayon ang susunod nating kardinal?
eto ang kaisa isang kardinal sa mundo na sumasali sa mga rally ng mga pilipino. ipinaglalaban niya mga magandang layunin para sa ikabubuti ng bansang pilipinas.
papuri sa iyong mga tamang landas na minulat sa mga kabataan. Amen!
SW
Isa lang ang hiling ko... na sana ang pumalit kay Cardinal Sin ay hindi artista at hindi jueteng lord.
Hindi lang ang pag-yao ni cardinal Sin ang masamang balita sa atin sa Pinas. May mga pagbabaanta nang distabilisasyon laban sa Pamahalaang Arroyo. At hindi ito biro dahil pag nagkaroon na naman nang kaguluhan ay siguradong bubulusok pababa ang halaga nang PISO. Kawawang bayan ko.
naloko na pag ang papalit kay Cardinal Sin ay artista. Gagagawin na namang puting tabing ang simbahan ng mga katoliko kung ganun. Ginawa na nga ang gobyerni natin na parang sinihan, susunod na naman nag ating simbahan. maawa naman kayo!!!
mga kababayan gising na.....
Kumusta sis DL, yan na nga meron na namang bantang people's rally tungkol sa pamahaalan, banta nilang tanggalin si Gloria. Ang pagyao ng Cardinal Sin ay dagdagan pa ng siang malaking problema. At sino naman ang gusto nilang ilagay sa pwesto? Kawawa na nga ang ating bayan sa kagagawan ng mga tao sa pulitiko. Kawawa na nag mga taong pangkaraniwan.
Sino ngayon ang naghihirap kundi ating mag kababayan na wala man lang mapagkunan ng pang araw araw na makain. Kawawa na nga ang bayan!
Bayan ko binihag ka na sa mga kamay ng mga maimpluensiya!
Post a Comment
<< Home