Pag Tangos Ng Ilong, Hindi Na Marunong Lumingon
Hindi eto operasyon, kundi isang imahinasyon.
Sa yugto ng buhay, hindi natin nakakamtan ang kaligayahan kung walang kalungkutan. Ganun din sa kahirapan at kaginhawaan.
Kabayan, ang kaligayahan na iyong nakamtan ay dahil din sa iyong kahirapan, nakamtan mo ang kaginhawaan. Kaya pag nasa taas ka na kaibigan, huwag kang basta dumura na lang sa iyong pinaggalingan, kundi hihilain ka ding pabababa sa mas malalim na lungga, hanggang sa talampakan at doon ka magmumukhang basahan. Huwag gawing basehan ang tagumpay para ika'y papungay pungay.
Ang pag akyat ng mabilisan, tumatangos ang ilong ng ibang nilalang, hindi na inisip kanilang pinagdaanan. Hindi lang naman sa mga kabayan eto nakikita, pati rin sa ibat ibang kulturang pandaigdigan.
Anong masasabi mo kabayan?
dazz
2 Comments:
Wala iyang iniwan sa isang langaw
Na napadapo sa tuktok nang kalabaw
Ang akala nang ungas ay mas malaki na siya kaysa sa kalabaw!
Kaya ang ungas nang madulas at sumadsad sa lupa......
Pilay pilay ang mga paa
Bakli pa pakpak niya!
Ang langaw.. bow!
wow naman! galing ng tula mo sis DL!
kalinggit na langaw, napasama sa mga bangaw, walang ginawa kundi sumigaw, akala niya siya na'y kalabaw!
apurahan ang pagakyat kaya nung bumagsak lagapak, arayyy!! bow
Post a Comment
<< Home