Maligayang Bati Aking kaibigan
Maraming salamat aking kaibigan
Sa iyong paanyaya , ako ay dumalo
Mga agam agam na namutawi sa aking isipan
Karapatdapat ba ako?
Ako nga ba ang kanyang nais?
May saya at tuwa na namutawi sa aking puso.
Na mapabilang sa inyong samahan.
Mga katanugan at pag aalinlangan ay pinawalang bahala.
Kaya HETO NA AKO humanda na kayo
Na makapaniig sa larangan ng ating Wika.
BakitBa
1 Comments:
KAIBIGANG MAKATA BAKITBA,
Maligayang pagpasok dito sa ating larangan, aking isalubong sa iyo ang mapayapang pagkakaibigan.
Nung nabanggit sa akin ng kaibigan lll eric lll ang ngalan,
ikaw ay aking inantabayanan, kaya dagdag ko na ang iyong pangalan sa listahan ng maimbita ka sa isang samahan. Heto na ngayon, iyong pinaunlakan. Ang mga nasa listahan dito ay mga makata kung saan saan bansang dumapo, sana'y iyo silang makapanayam ng totoo sa maliit nating sitio.
Atin ng umpisahan pag sila na'y magpasukan, wika na ating iniwan sa inang bayan, dito bubuhayin muli para hindi matatabunan.
PAPURI SA IYO MAKATA!!
Post a Comment
<< Home