Proud Akong Maging Pinoy!
Minsan kahit na ano pa ang sabihin nilang masama tungkol sa Pinoy (at kahiya-hiya naman talaga minsan), gugustuhin ko pa ring maging Pinoy! Bali-baligtarin man ang mundo, puno't dulo, hindi mawawala ang mga katutubong katangiang Pinoy ko - pangong ilong, kulay kayumangging kaligatan, maliit (hindi pandak, ah!) pero cute, at kasing dilim ng gabing itim na buhok. OO nga't mapapalitan ko ang kulay ng mata ko kung ako'y naka-contact lens o ako'y mag-patina ng buhok o magpa-bleach para pumuti ng konti, at magsuot ng sobrang taas na sapatos, sa loob-loob ng puso ko Pilipino pa rin ako at
AY EM PRAWD TU BI FILIFINO!
Bakit kanyo? Eto na lang, ilang bansa ang nakakapag-People Power na katulad ng Pinoy at napapaalis ang mga pinunong saliwat sa isang mapayapa (kung hindi man parang fiesta) na paraan? Ilang non-Pinoy ang hindi nakakatagal sa problema at nag-su-suicide o naloloka habang ang Pinoy, ayun at nakatayo pa rin, nakangiti at patuloy ang buhay nila dala-dala ang kaparehong problema?
Marami.. maraming bagay na Pinoy lamang at sa Pilipinas o sa kapwa-Pilipino mo lamang makikita. Bakit nakakatawa? Dahil nakakatuwa. Bakit nakakatuwa? Dahil nakaka-aliw. At bakit nakaka-aliw? Dahil bigla mong ma-iisip.. "Oo nga.. onli in da Pilipins en onli wid a Pinoy". Kaya, matawa, matuwa, maaliw at mag-isip.
gilbert