Naisagawa Na Ang Pagdiriwang
Petsa dos at saka tres ng Hulyong buwan
Dalawang Araw na aming ginampanan
Pag bubukas ng Barrio Fiestang larangan
Doon binuksan ang sitiong naturingan.
Makabagbag damdamin ang nangyari
Mga kababayan na dumalo ay ang dami
Sa kantahan at kwentuhan sila'y sumali
Na walang alinlangan at walang pagaatubili.
Sa naganap doon ay talagang kawiliwili
Nung gawin ang seremonya maraming saksi
Nakita ang samahang di pa ibinabahagi
Ngayon sa nalaman, mikropono'y itinabi
Binisista nila ang Tanglaw at EASYTALK.
Pagkatapos ng seremonya sa aming pinagtaka
Halos lahat ng mga usapan ay sa tagalog na wika
Naglabasan ang kanilang mga bagong kataga
kanilang hinukay na ang baul ng kanilang lola
Sila yata'y naimpluensiya na ng mga makata.
Yung iba na wala sa pagdiriwang na ginawa
Walang problema, tulong tulong ang mga kasama
Pagsilbi sa mga nagdatingan na maraming bisita
Hindi naman naubos mga pagkaing aming hinanda.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home