<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/English_Midi/chachacha2.mid" autostart="true" loop="3"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="1"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/balelengurbanflow.mid" autostart="true" loop="3"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/filipinomidis/playmidi.asp?id=201" autostart="true" loop="3"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Tanglaw Ng Ating Wika: SILID NG MGA MAGKAKAIBIGAN

Saturday, June 25, 2005

SILID NG MGA MAGKAKAIBIGAN


Magandang araw o gabi aking pagpugay sa inyong lahat na nandirito.
Kay sarap namang basahin paunang pagbati ng ating makatang may ari ng kuwartong ito
Ako pa'y isinali sa listahan ng mga makatang kaibigan niya dito.
Kung ako ba ay nararapat patungkulan ng titulong MAKATA???
Yan ang malaking tanong ko kaya napapakamot tuloy ako sa ulo ko :)

Salamat maraming salamat sis Dazz sa paanyayang sumali ako
Sana makaagapay ako kahit kaunti man lang sa mga paksa dito
Paksang wikang sariling atin na siya lang wikang talagang naiintindihan ko
Wikang banyaga susmeo nakakagulo sa utak ko :)

Silid ng mga magkakaibigan kung ito ay aking tawagin
Sapagkat pawang magkakakilala at magkakaibigan
Ang ditoy imbetadong magbasa, gumawa ng paksa at magliwaliw
Di tulad sa ibang silid tagpuan na pati magugulo imbetado din :)

Tuloy mga kaibigan sumulat pa kayo ng maraming paksa
Makabagbag damdamin man o paksang nakaka aliw
Andito lang ang inyong abang lingkod na laging handa
Anumang oras na .....................magbasa hehehehehe


Bow!!!
GSamsara

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

wala akong masabi sa iyong pagbati
kayganda naman iyong mga sinabi
papugay sa ating kasamahan dine
sadya namang nakakabighani.

tagpuan ng mga magkakaibigan
samahan ay walang alinlangan
napakasayang tignan ang mga laman
na naggaling sa inyo lahat diyan.

GSamsara,ang aking kabayan at kasangga sa barrio fiesta, ang iniwang mong mensahe ay napakatalinhaga.

Ang galing mo kaibigang makata!!!

6:26 AM  

Post a Comment

<< Home

Disclaimer And Friendly Reminder

This provides an interactive environment meant as a channel for people who simply love to write and share some passages as well as jokes - sensible or otherwise.To ensure that Tanglaw Ng Wika is a good environment for co-pinoy's to hang out, we would request all users to observe courtesy by refraining from making personal insults to any posters. The organizers of this blogsite take no responsibility for whatever was uploaded nor copied from any other sources that may be copyrighted.