Pakikisalamuha sa Kapwa Makata........
karangalan na mapasali sa samahan niyo
abang lingkod ay handang makisama sa grupo
handang sumagot sa inyo ng matino.
halabira! tayo na ngayon ay mag-umpisa
dito'y meron akong suporta,
tita ko na tunay na makata,
laging nasa likod ko lang siya
para sagipin ang mga bala.....
ang abang lingkod...Ellezer po......hehehe
1 Comments:
Oh! andito na pala ang isang bituin, sa larangan ng mga makata'y naglakas loob din.
yan ang nararapat pamangkin
iyong ilabas ang damdamin
ika'y makisalamuha, makipanayam, at makipagsagutan din,
kita'y aakayin para masanay ka rin.
sa pagsusulat maaliw ka talaga
lalo na pag araw araw na gawa
yan ay iyong kasanayan ng mahasa
isa, dalawa o tatlong kataga
na may damdamin at may diwa
sadyang ganyan ang naguumpisa.
huwag lang sumulat na lumuluha
panyolito ay sayang kung mabasa.
ha ha ha ha
etong si ezel, napakababa ang luha
unang tulang gawa, umiiyak pa
nung natapos, siya'y natuwa at nakatawa.
iyong ipagpatuloy yan pamangkin
pangmakatang tula at iyong sanayin
pag handa ka na, ilalaban ka na din sa puting tabing.
Post a Comment
<< Home