<EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/English_Midi/chachacha2.mid" autostart="true" loop="3"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/bayankofredie_aguilar.mid" autostart="true" loop="1"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/balelengurbanflow.mid" autostart="true" loop="3"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/filipinomidis/playmidi.asp?id=201" autostart="true" loop="3"> <EMBED SRC="http://www.ex-designz.net/midiswav/Filipino_Midi/anakfreddie.mid" autostart="true" loop="9"> Tanglaw Ng Ating Wika: June 2005

Wednesday, June 29, 2005

Dalawang Araw Na Ipagdiriwang

Paumanhin Po, Salitang Banyaga ang anunsiyong eto.

EASYTALK Forum and TANGLAW NG WIKA sites will be launched on Saturday/Sunday, Sydney time on 2nd-3rd July 2005. @ Barrio Fiesta. The venue will be opened 24/2 this weekend.


Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


YOU ARE ALL WELCOME TO JOIN THE CELEBRATION @ BARRIO FIESTA-AUDIO CONFERENCE GROUP KANTAHAN AT SAYAWAN.........link: www.paltalk.com

Just a brief housing infos if you are new to Paltalk:

If you're already a member of PT, Login at PT Messenger,
Go to Groups, Find Nationality and other Languages Group,
Find Barrio Fiesta Room under Nationality/Languages category.
Great singers will be there to join us.

In behalf of BARRIO FIESTA, you're all welcome to enjoy with us. Lots and lots of surprises awaiting for everyone.

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Drinks will be served by the lovely GSamsara. Meals will be included courtesy of Damong Ligaw, BakitBA, Altima, March Flower, Ellezer, Foxy and Ms Tapya. Lovely singers will be around to entertain the crowd and to witness the launching of the two sites.


Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


COME ONE, COME ALL! Tag your friends along with you.

Security measures will be taken cared of by the administrative console and her staff @ Barrio Fiesta. There will be a tight security on that special event as there are threats to throw bombs on that day. he he he he


Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Special Guests are coming from all over the world to witness this function. We would love to welcome the DA thinker, Lonegunmanex, yung inumin natin diyan pakihabol po. Berdibert/Kamandag/Habibi, try to make it, the occassion won't be complete without you guys! Your presence is highly appreciated.(wala kaming kasayaw ano, chacha pa naman) We will all grace the occassion.

Note: It's not a Masquerede Ball, so don't come with your mask. Don't come naked as well. Come with your formal attire!

Kapitana Damong Ligaw, please take care of the troops on your side. MEL included....thanks..... The rest of the members please take care of the clappings.lol

it's show time yeheyyyy

Monday, June 27, 2005

Hangaring Magkaisa o Tuluyang Masira?

Sa bawat kultura may mga kapansanan na nakikita ng iba. Gaya din nating mga Pinoy na kung minsan ay nagkakasira sira. Pero kung wala tayong hangarin na magkaisa, wala talagang magyayari kung ang pakay ng bawat isa ay payapa.

Ano kaya ang ating magagawa? Pinoy/Pinay ka ba talaga?

He he he ako kasi ilokana/igorota/pangasinan pa.

sa pagkapinay, ewan ko nga ba?

Saturday, June 25, 2005

Intermission Po...... New Forum Just Created

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


May bagong bukas po na CHATFORUM ng Samahang-Makata. Kung inyong nais na mabisita at magrehistrado, ating uumpisahang itayo ang samahang eto para gawing makasaysayan ang mga pakay ng samahang-makata.

Paumanhin po dagdagan ko eto ng wikang banyaga.

I've set up a new forum for everyone today, you're all invited to start your own topics in English as well as in Tagalog. if you wish to tag along with me to develop the forum, I really appreciate it. It's a brand new bulletin board. It's "EASY TALK". The name itself says all. It's really an EASY TALK. It's SIMPLE and EASY to follow.

Here's the link:

http://www.getphpbb.com/phpbb/?mforum=makata

It's just a matter of setting up. In the long run, it will come up as a source of information, discussion forum, exchange of experiences, songs, quotes and quotations, and a place for us to meet new friends in a virtual reality in a more harmonious way. LET'S HAVE A GO!

This forum was created for everyone to enjoy and share the beauty of the virtual world. We will grow together as one in a happy environment.

To Samahang Makata, a warm welcome to you all.

Please pass the message through word of mouth, the existence of this forum. The link is located above the purple message box below.

Maraming Salamat Po.

AWIT NG BUHAY

Image Hosted by ImageShack.us

Ang buhay ng tao, ay sadyang matalinhaga
Tulad ng isang awit, na may simula
Mayroon itong titik, mayroon ding himig
Sa labi ng tao, namumutawi ang tinig

Sa pagpilas, ng mga dahon ng panahon
Ating natunghayan, isang awit ng buhay
Dito sa ating pansamantalang daigdigan
Sari-saring tinig, ang ating narinig
Hindi huni, kundi hiyaw ng baliw, ang naging himig

Tinig na galing sa burak, ang pinangibabaw
Nalimutan ang damdamin ng kapwa, sa kasakiman
Isang pera ang halaga, ng tinig ng mga umalipusta
Isang salapi ang katumbas, sa dinulot na pagdurusa

Nahan ngayon, ang mga mapag-balatkayong kaibigan
Sa labi ninyo nanggaling, ang kinahantungang kasawian
Itinanghal na tala, sa pag-awit dito sa ating munting mundo
Nawalan ng salapi, nawalan ng pitagan...
Nadungisan, ang nakamtang karangalan

Malungkot ang katapusan, nitong awit ng buhay
Sa halip na magwagi, kasawian ang nakamtan
Manapa'y maging aral, sa bawat sanlibutan
Itikom ang mga labi, pagkatao ang siyang pahalagahan

SILID NG MGA MAGKAKAIBIGAN


Magandang araw o gabi aking pagpugay sa inyong lahat na nandirito.
Kay sarap namang basahin paunang pagbati ng ating makatang may ari ng kuwartong ito
Ako pa'y isinali sa listahan ng mga makatang kaibigan niya dito.
Kung ako ba ay nararapat patungkulan ng titulong MAKATA???
Yan ang malaking tanong ko kaya napapakamot tuloy ako sa ulo ko :)

Salamat maraming salamat sis Dazz sa paanyayang sumali ako
Sana makaagapay ako kahit kaunti man lang sa mga paksa dito
Paksang wikang sariling atin na siya lang wikang talagang naiintindihan ko
Wikang banyaga susmeo nakakagulo sa utak ko :)

Silid ng mga magkakaibigan kung ito ay aking tawagin
Sapagkat pawang magkakakilala at magkakaibigan
Ang ditoy imbetadong magbasa, gumawa ng paksa at magliwaliw
Di tulad sa ibang silid tagpuan na pati magugulo imbetado din :)

Tuloy mga kaibigan sumulat pa kayo ng maraming paksa
Makabagbag damdamin man o paksang nakaka aliw
Andito lang ang inyong abang lingkod na laging handa
Anumang oras na .....................magbasa hehehehehe


Bow!!!
GSamsara

Friday, June 24, 2005

Pakikisalamuha sa Kapwa Makata........

itoy pagbati sa mga makatang nandito
karangalan na mapasali sa samahan niyo
abang lingkod ay handang makisama sa grupo
handang sumagot sa inyo ng matino.
halabira! tayo na ngayon ay mag-umpisa
dito'y meron akong suporta,
tita ko na tunay na makata,
laging nasa likod ko lang siya
para sagipin ang mga bala.....


ang abang lingkod...Ellezer po......hehehe

Maligayang Bati Aking kaibigan














Maraming salamat aking kaibigan
Sa iyong paanyaya , ako ay dumalo
Mga agam agam na namutawi sa aking isipan
Karapatdapat ba ako?
Ako nga ba ang kanyang nais?

May saya at tuwa na namutawi sa aking puso.
Na mapabilang sa inyong samahan.
Mga katanugan at pag aalinlangan ay pinawalang bahala.
Kaya HETO NA AKO humanda na kayo
Na makapaniig sa larangan ng ating Wika.


BakitBa

Ang Ganda Ng Sikat Ng Araw

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


Pagbukas ko sa may bintana
Noong imulat ang aking mga mata
Naaninag sikat ng araw na kay ganda
Umpisa ng isang araw na masaya.

Biglang binuksan ang Tanglaw Ng Ating Wika
Araw ay lalong sumaya, himig ganda sa tainga
Lalo na sa pagbasa paksang reklamo ni Tekla
Mga balut na paninda'y nagkalat pa sa gitna
Bigla akong napatawa sabay hulog sa silya
Kaya kailangan talaga'y tumawa sa umaga
Para ang araw ay talaga namang gaganda.

Mapayapang araw sa inyo mga kaibigang makata.

Pag Tangos Ng Ilong, Hindi Na Marunong Lumingon

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


Hindi eto operasyon, kundi isang imahinasyon.

Sa yugto ng buhay, hindi natin nakakamtan ang kaligayahan kung walang kalungkutan. Ganun din sa kahirapan at kaginhawaan.

Kabayan, ang kaligayahan na iyong nakamtan ay dahil din sa iyong kahirapan, nakamtan mo ang kaginhawaan. Kaya pag nasa taas ka na kaibigan, huwag kang basta dumura na lang sa iyong pinaggalingan, kundi hihilain ka ding pabababa sa mas malalim na lungga, hanggang sa talampakan at doon ka magmumukhang basahan. Huwag gawing basehan ang tagumpay para ika'y papungay pungay.

Ang pag akyat ng mabilisan, tumatangos ang ilong ng ibang nilalang, hindi na inisip kanilang pinagdaanan. Hindi lang naman sa mga kabayan eto nakikita, pati rin sa ibat ibang kulturang pandaigdigan.

Anong masasabi mo kabayan?

dazz

Wednesday, June 22, 2005

joke muna tayo ......

sa probinsiya may isang mamang mahirap, kumain siya at ang ulam lang niya ay asin. kawawa talaga.

MAMANG HAHIRAP: diyos ko tulungan niyo po ako hirap na hirap na po ako, sabay na kinagat siya ng langgam sa bayag niya..

MAMANG HAHIRAP: anak ng tokwa, ulam ko asin ikaw pa itlog itlog ka pa...hahahaha


Sa isang kumbento, may naghagis ng ari ng kabayo. Nagkagulo, nagsigawan at nag-iyakan ang mga madre, sabay palahaw, “Diyos ko po! Patay na si Padre Damian!”

pasensiya na po, nagpapatawa lang!

tulume

Tuesday, June 21, 2005

Mapayapang Paglisan Ng Isang Kardinal


Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Pagkamatay ng isang dakila
Kanyang iniwan ang halimbawa
Respeto sa kapwa at panguunawa
Ang kanyang ipinakita sa madla.

Ngayon ating bigyan ng kasaysayan
Pagkamatay ng isang Cardinal sa bayan
Tahimik at mapayapang kapaligiran
Yan ang lagi niyang ipingadididiinan.

Lubusan ng pagmamahal ng isang ama
Walang ibang hangarin para sa madla
Kundi katahimikan at laging mapayapa
Pagmamahalan sa kapwa kanyang pinapaalala.

Mapayapang Paglisan Mahal Naming Ama.

Monday, June 20, 2005

Wikang Kinagisnan or Wikang Banyaga?

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Alin ang mas matimbang sa iyo Kabayan?

Eto ba'y sinusukat sa pagbigkas ng wikang kinagisnan o wikang nakasanayan? Paano kung nasa bansa kang banyaga? wikang nakagisnan pa din ba? gising mga kabayan, ano ba talaga ang mas matimbang sa inyo?

Kailangan bang nasa inang bayan ka para masukat kung gaano mo talaga kamahal ang iyong wika?

Dapat Bang Magasawa Ang Mga Paring Malilibog?

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com


Pagbati sa inyong lahat!

Eto ang isang paksang ilalagay ko dito. Sagutin niyo eto kung inyong gusto. Hindi naman ibig sabihin na tayo'y ayon sa ating mga sinasabi. (For arguments' sake only, lolz)

Atin na pong umpisahan. Ano ang masasabi niyo dito kababayan?

Kamandag

Sunday, June 19, 2005

Masayang Pagbati Sis Dazz At Sa Lahat

Image hosted by Photobucket.com
Papugay at pagbati sis Dazz na makata
Dito sa sityong iyong inihanda
Ang iyong layunin ay labis na kay ganda
Akayin ang lahat tungo sa pagkakaisa

Eto’y sadya ring inilaan upang ating madama
At mapahalagahan ang pagiging Pilipino ng bawat isa
Atin ding lubusang malalaman at makikilala
Ang mga magagandang katangian ng ating bansa

Ikinalulugod ko ang mapabilang at mapasali
Sa samahang kung saan ay muli
Maisasagawa ang pagpapahalaga sa ating lahi
Tayo ngayon ang tanging saksi

Tayo’y kabalikat sa pagtangkilik ng ating sariling WIKA
Hangang sa muli....
WishUponAstar

Saturday, June 18, 2005

Welcome Po Sa Lahat

Free Image Hosting by www.NetFreeHost.com

Mapayapang pagpasok dito sa ating larangan
Eto'y nabuo para sa atin lahat mga kababayan
Kaya huwag na kayong mag atubli na umpisahan
Pakikipanayam sa bawat isa ay isang karangalan.

Atin ng umpisahan ang marangal na sagutan
Pangmakatang dating sa ating bagong lipunan
Halina, ating ibangon ang wika ng Inang Bayan
Tanglaw ng Wika na sadya namang makasaysayan.

Kahit sabihin pa nila ngayon na eto'y luma na
Hindi na dapat halungkatin sa panahon ni Gloria
Hindi naman tayo papayag na eto'y isatabi na lamang
Kaya mga kababayan ating bangunin wikang ating iniwan.

Wikang minulat noong panahon nila Prokopyo at Bartolo
Kay gandang pakinggan pag eto'y sagutan na ng totoo
Nakakabighani talaga, napapangana pa si Ka Goryo
Pag eto'y oras ng sagutan sa himpapawid pag linggo
Bukas na ang mga radyo sa bayan at sa buong barrio
Eto ay lagi ding inaabangan ng aking yumaong lolo.

Mapayapang Araw sa Inyong Lahat diyan kababayan.

Dazz @ Barrio Fiesta

Disclaimer And Friendly Reminder

This provides an interactive environment meant as a channel for people who simply love to write and share some passages as well as jokes - sensible or otherwise.To ensure that Tanglaw Ng Wika is a good environment for co-pinoy's to hang out, we would request all users to observe courtesy by refraining from making personal insults to any posters. The organizers of this blogsite take no responsibility for whatever was uploaded nor copied from any other sources that may be copyrighted.